Thursday, August 19, 2010

KIDLAT AT KULOG ko po !

Ikaw ba ay may kinakatakutan? mga bagay na nagpapadama sayo ng pagkabalisa? ang phobia ay pagkatakot sa isang bagay, sitwasyon o isang gawain. Ito'y abnormal na pakiramdam, lahat ng tao ay may kinakatakutan, ngunit nakasalalay sa tao kung paano nya malalampasan ang kanyang pagkatakot.

   Ilan lamang sa kinakatakutan sa marami sa atin ay ang kulog at kidlat. Ang pagkatako sa naturang bagay na ito ay tinatawag na Astrophobia. Dahil sa lumilikha sa malakas na tunog ang kulog at naghahatid naman ng kakaibang  liwanag ang kidlat kung kaya' marami ang natatakot dito. Isa pa sa mga dahilan kung bakit marami ang takot sa kulog at kidlat ay dahil sa mga balitang nakakamatay ang kidlat na kapag tinamaan ka nito. Kaya tumatatak na sa ating isispan na dapat natin itong iwasan

   Ilan sa sintomas ang pagkatakot sa kulog at kidlat ay ang hirap sa paghinga, pagbilis ng pintig ng puso, pagkakaroon ng malamig na pawis. Ito ang nararanasan ng may astrophobia. Paano nga ba ating malalampasan ang pagkatakot nito? Paano ang kahinaan na ito ay magiging kalakasan? sa sitwasyong ito, tayo mismo ang tutulong sa ating sarili , tayo mismo ang syang may hawak ng ating nararamdaman.

   Upang maiwasan ang pagkatakot sa kulog at kidlat ay marapat na lamang na maging positibo. Maging positibo sa ating pagiisip na walang mangyayari sa inyo ng masama. Buong pusong harapin ang iyong takot at maging matap[ang sa lahat na oars. Sa ganitong paraan maging matapang sa lahat. At ang iyong kinatatakutan ay maiiwawaks. Ikaw ano ang kinatatakutan mo ?






 ni : Sherly Inado :)

No comments:

Post a Comment