Demophobia,Ochlophobia?..Ano nga ba ito?Sinu-sino ang mga pwedeng magkaroon nito?Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon nito?Ang mga sintomas o senyales na nararanasan ng mga taong may demophobia?Paano nga ba nawawala o maiiwasan ito?Anu-ano ang mga dapat gawin?
Ang daming mga katanungang pumapasok sa isipan natin kapag may salita o bagong kataga tayong naririnig.Pero ano nga ba ang demophobia?Ating alamin kung ano nga ba ito.Ang demophobia,ano nga ba ang unang papasok sa isip natin kapag narinig natin ito?Pag narinig palang natin ang salitang "phobia"sumasagi na sa isipan natin ang salitang "takot",tama...ang demophobic ay isang uri ng takot kung saan ang isang tao o indibidwal ay may nadaramang takot sa mga matataong lugar.Ito rin ay isa lamang sa tawag o taguri sa mga uri ng"social phobia"o"social anxiety phobia".."anxiety"o di malamang takot sa kunsaan man,sa madaling salita ang mga taong ito ay ayaw makihalubilo sa maraming tao,lalo na pag di nila kilala.
Ang mga taong mahiyain o ang hilig lang ay nasa bahay yung bang tipong iilan lang ang tao, o kaya naman pamilya lang, ang kalimitang nagkakaroon ng takot na ito. Subalit hindi sinasabing lahat ng mahiyain ay maaring magkaroon ng ganitong takot o problema.
May kanya-kanyang kadahilanan o paliwanag kung bakit ang isang tao ay may takot o nakakaranas ng di maipaliwanag na takot at kaba sa mga matataong lugar, tulad ng palengke, simbahan at shopping malls. Halimbawa nito ay dahil natatakot sila na makakuha o mahawahan ng nakamamatay at delikadong sakit sa mga tao na makakasalamuha nila, pwede rin namang iniisip nila na baka mawala o magitgit sa karamihan ng tao. Iniisip din nila na wala silang halaga o importansya kapag napapalibutan ng maraming tao.
Ang isang demophobic ay nakakaranas ng mga sintomas na tulad nito;di maipaliwanag na takot sa karamihan,pakiramdam na kinakabahan,pagbilis ng tibok ng puso,kinakapos ng hininga,parang masusuka,tuyong labi o lalamunan,natataranta, at matinding takot at pag-iwas.Nakakaranas din sila na kung minsan ay parang bata na umiingit o nagkikilos paslit,umiiyak,nagpapawis ng matindi,nanlalamig na parang yelo,sobrang pamumula at kung minsan ay parang napaparalisadosa kinalalagyan.

Sa sobrang takot nila hindi nila kayang kontrolin o panghawakan ang sarili,sa mga sitwasyong makakasalamuha sila ng tao mas gusto nilang takbuhan o iwasan ang mga tulad niyon,kesa harapin at panlaban nila ang takot nila,kaya walang ibang makatutulong sa kanila kundi ang kanilang sarili.Dapat ay harapin nila ang kanilang takot at panlabanan ito.Maaari din silang lumapit sa mga propesyonal na may kinalaman sa ganitong pag-uugali.Dapat rin nilang palitan ang takot sa karamihan at maging positibo ang pag-iisip sa mga sitwasyong kinatatakutan nila.Maaari din silang bigyan ng mga doktor ng pampakalma sa tuwing aatakihin sila ng takot.
ni Ana Marie D.A Eligio